Showbiz News

Aiai Delas Alas on Megan Young: 'Napaka-humble, napakabait'

By MERYL LIGUNAS

First time magka-trabaho nina Aiai Delas Alas at Megan Young sa Our Mighty Yaya, ang Mother’s Day offering ng Regal Entertainment.

Impressed ang Comedy Queen sa kagandahang asal na nakita niya sa Miss World 2013 titleholder.

 

 

“…Mabait na tao, mabait na bata. Okay na okay [siya], parang hindi siya Miss World [kasi] napaka-humble, napaka-bait,” sabi niya.

Nagutuhan niya rin ang pagiging ‘cool’ at professional ng beauty queen-actress.

“Napaka-cool, chill. Saka professional, maaga din siya sa set. Walang arte, hindi ka maiinis sa kanya. Maganda siya katrabaho,” aniya.

 

 

Ganun din ang nararamdaman ni Megan sa batikang komedyante.

“Maganda siya makisalamuha sa mga tao and she treats people fairly and that's something that I really admire about her,” wika niya.

Sa May 10 ipalalabas ang pelikulang Our Mighty Yaya kung saan kasama nila sina Zoren Legaspi, Sofia Andres and Lukas Magallano.

MORE ON OUR MIGHTY YAYA:

Megan Young, nag-kuwento tungkol sa dating PA na naging best friend

'Our Mighty Yaya,' inspired ng dating kasambahay ni Direk Joey Reyes

AiAi Delas Alas, lumibot sa mga palengke para mag-promote ng 'Our Mighty Yaya'