Showbiz News

Alden Richards at Maine Mendoza, may magiging pasabog sa 'Upsurge' concert ng Pambansang Bae

By GIA ALLANA SORIANO

 

 

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, naikuwento ni Alden na ibang level daw ang production number nila ni Maine sa kaniyang nalalapit na first solo concert ngayong May 27.

Aniya, "Pag nagsasayaw kami ni Maine ng mga production number sa mga shows like 'Sunday Pinasaya,' 'Eat Bulaga,' 'yung time kasi namin ng rehearsal masyadong limited. 'Yung difficulty nito medyo mas ina-upscale namin kasi hindi ito 'yung usual na ginagawa namin na sayaw kasi we have time to rehearse."

 

Ika pa ni Alden, noong malaman niyang magkakaroon siya ng concert, tinutukan talaga niya ang rehearsal nito dahil isa na rin daw itong pasasalamat sa mga fans niya.

Dagdag niya, "Nung na-present sa akin 'yung the whole idea of the concert, ni-ready ko na 'yung sarili ko: physically, mentally, and emotionally na pagtutuunan ko talaga ng time."

Kabilang sina Mark Herras, Kristofer Martin, Rodjun Cruz, Jerald Napoles, Migo Adecer, at Raymund Marasigan ng bandang Sandwich sa mga guests ni Alden.

 

MORE ON ALDEN RICHARDS AND MAINE MENDOZA: 

EXCLUSIVE: Fill in the blanks with Alden Richards and Maine Mendoza  

Maine Mendoza and other stars to guest in Alden Richards' Upsurge concert? 

EXCLUSIVE: Wordplay with  Alden Richards and Maine Mendoza