Showbiz News

LOOK: Dennis Trillo, sinorpresa sa set ng 'Mulawin VS Ravena'

By AL KENDRICK NOGUERA

Ipinagdiriwang ni Kapuso actor Dennis Trillo ang kanyang kaarawan ngayon, May 12. Dahil malapit nang ipalabas ang Mulawin VS Ravena, sa set ng higanteng telefantasya nag-birthday ang gaganap bilang si Gabriel.

FIND OUT: Paano napapayag si Dennis Trillo na gumanap muli bilang Gabriel sa 'Mulawin VS Ravena?'

Sa Instagram account ng Senior Program Manager ng Mulawin VS Ravena na si Helen Rose Sese, ibinahagi niya ang larawan ng team kasama ang birthday boy at ang kanyang manager na si Popoy Caritativo.

 

Bukod sa cast at staff ng Mulawin VS Ravena, kabilang din sa mga nagbigay ng sorpresa kay Dennis si Jennylyn Mercado na bibida naman sa isa pang upcoming GMA Telebabad soap na My Love From The Star.