Showbiz News

LOOK: Max Collins, engaged na kay Pancho Magno?

By ANN CHARMAINE AQUINO

Kapwa nag-post ang showbiz couple na sina Max Collins at Pancho Magno ng photos ng isang singsing sa kamay ng Kapuso actress sa Instagram ngayong Linggo, May 14.

Sa post ni Max, isang blurred na kamay na may suot na diamond ring ang makikita at sa harap nito ay ang kanyang longtime boyfriend na si Pancho Magno.

 

Samantala, nag-share rin ang 'Encantadia' actor ng larawan ni Max na suot ang parehong singsing.

 

Wala pa mang kompirmasyon ay inulan na ng pagbati ang kanilang social media accounts mula sa kanilang followers at mga kasamahan sa showbiz.

 

 
Photos from: @maxcollinsofficial(IG) and @magnopancho(IG)