Showbiz News

WATCH: Regine Velasquez-Alcasid, ibinahagi kay Solenn Heussaff ang magbabago kapag siya ay naging mommy

By ANN CHARMAINE AQUINO

Bukod sa Flores de Mayo experience ni Solenn Heussaff ay inungkat rin ni Regine Velasquez-Alcasid kung kailan nila balak na magkaroon ng baby. Kuwento ni Solenn nitong Sabado (May 13) sa kanyang pagbisita sa Sarap Diva ay nakaplano na kung kailan sila magkakaroon ng baby ni Nico Bolzico.

Kuwento ni Solenn, "In the talks naman, not this year. Pero 'yun, 32 na ako. Dapat mag-start."

Sinang-ayunan naman ni Regine ang tamang pagpapa-plano sa pagkakaroon ng baby. Bukod rito, ibinahagi rin ni Regine na hindi niya inaakalang magiging mommy siya dahil nasa iba ang kanyang focus noon. 

"I just didn't see myself being a mom kasi I was such a career woman."

Nang dumating si Nate, ang kanyang priorities ay nabago na. Aniya, "Pero nung nagkaroon ako ng anak, ganun pala 'yun. Kasi 'yun 'yung tinatawag nilang instinct. It's built in; it's natural in all of us."

 

Narito pa ang ibang naganap sa Sarap Diva nitong Sabado:

Queenly tips by Solenn Heusaff

 

Labanan ng mga reyna sa 'Sarap Diva!'

 

Flores de Nagmamaganda 2017

 

Mayroon ring pang-Flores de Mayo recipe si Regine.

 

Catch Regine every Saturday in Sarap Diva!