Showbiz News

WATCH: Gabbi Garcia, Barbie Forteza, and Kate Valdez's Santacruzan experiences

By BEA RODRIGUEZ

Naging tradisyon na ng mga Pinoy kada Mayo ang pagpaparada ng mga magagandang binibini sa isang prosesyon alang-alang sa Birhen Maria sa Santacruzan na tinataguriang “Queen of Filipino Festivals.”
 
Ang ating mga naggagandahang Kapuso stars ay minsan nang naranasan ito tulad ni Sang’gre Alena Gabbi Garcia na naimbitahan nang pumasok siya sa showbiz.
 
“Na-observe ko na inaabangan talaga siya ng bawat barangay [at] inaabangan siya ng mga tao so sana ‘yung culture na iyon ng mga Filipinos [ay] hindi mawala,” saad ng aktres na napiling Reyna Elena ng Barangay Libid Binangonan, Rizal noong Santacruzan 2015.
 
Memorable din ang karanasan ni Meant To Be leading lady Barbie Forteza bilang si Reyna Elena din, “Ang haba ng damit ko, ang bigat [tapos] kulay puti [at] nasa putikan kami naglalakad-lakad. Meron akong isang napuntahan na Sagala na ako ‘yung nasa pinakadulo na may hawak na santo na sobrang bigat din.”
 
First timer naman si Encantadia star Kate Valdez ngayong taon at akalain niyong dalawang Santacruzan ang kanyang pinuntahan.

  
Challenged accepted ni Mira ang espesyal na okasyon na ito, “Sobrang saya ko kasi dream ko ito. Bata pa lang ako, nakikita ko na pumaparada sila [at hiniling ko na] sana ako rin.”
 
Pumarada rin ang ibang Encantadia stars tulad nina Mikee Quintos, Arra San Agustin, Dayara Shane, at Ruru Madrid bilang escort.