Showbiz News

Barbie Forteza at Lovely Abella, may napansin sa kilig photos nina Valeen Montenegro at non-showbiz boyfriend

By ANN CHARMAINE AQUINO

Isang witty caption na "where it all Vigan" ang naka-post sa nakakakilig na photos ni Valeen Montenegro at kanyang non-showbiz beau.

Ayon sa interview ni Valeen noong November 2016 sa Tunay na Buhay ay seven years na silang magkarelasyon ng kanyang Fil-Spanish boyfriend na si Selu Lozano. Nailahad rin noon na magkapitbahay ang dalawa at si Selu ay isang strength and conditioning coach at football trainer sa mga bata.

WATCH: Valeen, nagkuwento tungkol sa kanyang longtime boyfriend for the first time

Hindi naman napigilang punahin ng Sunday PinaSaya co-hosts ni Valeen ang kanilang nakakakilig na photos.

Unang pinansin ni Barbie Forteza ang caption ni Valeen.

 

Si Lovely Abella naman ay sinabing magkamukha na sina Valeen at Selu.