Showbiz News

Janine Gutierrez at Benjamin Alves movie 'Dagsin,' pasok sa Madrid International Film Festival 2017

By OWEN ALCARAZ

Masayang ibinahagi ng aktres na si Lotlot de Leon sa kanyang mga social media followers ang pagkakasali ng pelikulang Dagsin sa Madrid International Film Festival (Madrid IFF) ngayong taon.

Ang pelikulang Dagsin ay pinagbibidahan nina Kapuso Benjamin Alves at Janine Gutierrez. Kasama din si Lotlot at ang veteran actor na si Tommy Abuel. Si Lotlot at Tommy ay huling napanood sa katatapos lamang na Kapuso TV series na Destined To Be Yours.

 

Pasok sa apat na category ang Dagsin: Best Foreign Language Feature Film; Best Lead Actress in Foreign Language Feature Film; Best Editing of a Foreign Language Film; at Best Costume.


Panoorin ang trailer ng pelikula dito: