Showbiz News

READ: Dingdong Dantes may panawagan sa mga nagkakalat ng fake news

By AEDRIANNE ACAR

Isang nakakagimbal na balita ang bumungad sa mga Pinoy ngayong Biyernes, matapos magkaroon ng isang shooting incident sa sikat na leisure complex sa Pasay City.

Ayon sa ulat ng GMANewsOnline, isang gunman ang nagpaputok at nanunog ng mga gaming table sa Resorts World Manila kaninang madaling araw, (June 2).

Umabot na sa 37 ang namatay kabilang ang gunman na sinabi ng mga awtoridad na nag-suicide. Samantalang 54 naman ang sugatan at ginagamot sa iba’t-ibang ospital.

At least 37 dead, 54 injured in Resorts World Manila incident

Nag-tweet ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na kasalukuyan na nasa San Francisco patungkol sa nangyaring pamamaril sa Resorts World Manila.

Ayon kay Dong, nakikiramay siya sa mga pamilya ng mga nabiktima, pati na rin sa mga kababayan na naapektuhan ng gulo sa Marawi City, Lanao del Sur.

May paki-usap din siya sa mga netizens na nagkakalat ng mga maling impormasyon sa social media.  

MORE ON THE DANTES FAMILY:

LOOK: Marian Rivera's second family in Spain

LOOK: Celeb dads with their cool cars and bikes