Showbiz News

Mark Anthony Fernandez, naluha matapos ang pagdinig sa kaso sa iligal na droga

By Cherry Sun

Iniulat sa 24 Oras na naluha si Mark Anthony Fernandez matapos ang pagdinig tungkol sa kaso niyang transportation of illegal drugs sa Angeles City Regional Trial Court.
 
Iniharap ng prosekusyon ang naunang panayam ni Mark kung saan sinabi niyang personal niyang gagamitin ang marijuana na natagpuan sa sasakyan niya. Isinalang din sa pagdinig ang follow-up interview sa aktor kung saan itinanggi niyang sa kanya ang marijuana at bibilhin lang niya ito.
 
“Hindi na nagkaintindihan. Ang sinasabi ko doon, binibili ko palang,” sambit ni Mark.
 
Magpapatuloy ang pagdinig sa kanyang kaso sa June 21.


Video courtesy of GMA News