Showbiz News

Solenn Heussaff, may higanti kay Nico Bolzico sa kanyang 'wifezilla' pranks!

By Bea Rodriguez

SosBolz fans, watch for the paghihiganti ni “wifezilla” sa kanyang “medyo bastos” na asawa! 


Guest host ang sexy Kapuso star na si Solenn Heussaff sa Unang Hirit kung saan napag-usapan ang viral videos nila ng kanyang Argentinian husband na si Nico Bolzico.
 
Most viewed ang “wifezilla the mime” na nakakuha ng mahigit 818,000 views sa Instagram. Lubos itong kinainisan ng aktres, “’Di naman ako nagagalit, inis lang ako sa kanya [kasi hindi ko inakala] na gagawin niya sa akin iyan.”
 
Sa kabila ng pranks ni Nico, humingi naman ito ng tawad para makabawi sa kanyang cool wifey.
 
Ngunit, ayaw magpaawat ng gorgeous TV host dahil meron na siyang hinandang higanti sa lahat na mga kalokohan ng kanyang asawang gumagawa ng “wifezilla” series online.
 
Bunyag ni Solenn, “Prinepare ko ito [nang] tagal-tagal na pero ayaw niyang ipalabas ko sa website [ko]. Sabi ko, ‘After what you did to me, wala kang karapatan mag-no sa video na iyan.’”
 
Subaybayan natin ito sa kanyang personal blog solenn.ph.