Showbiz News

#BakbakanNa: Baron Geisler at Kiko Matos, muling nagkasakitan!

By BEA RODRIGUEZ

Nagkapisikalan ang mga aktor na sina Baron Geisler at Kiko Matos sa press conference na idinaos ng Universal Reality Combat Championship (URCC) kahapon (June19). Ayon sa report ng Unang Hirit, nauwi ang pasaringan ng dalawa sa hinding inaasahang pangyayari.

Bago pa man tumungo si Baron sa event, inanunsiyo niya sa kanyang Facebook Live video na magkakaroon ng part two ang labanan nila ni Kiko.

“I’m fighting again in August, [and it] will be in Araneta [Coliseum]. I’m [kind of] scared, to tell you the truth [because] I’ll be fighting Kiko [again, but] without any friendship na. Ito na talaga ang bakbakan na!” inihayag ng tinataguriang “Bastard of Show Business.”

Iibahin na raw niya ang kanyang estilo sa training, “I will start training [today because] Kiko had months to train [even] before pa.”

Matatandaang nauwi sa draw ang bakbakan ng dalawang aktor noong nakaraang taon. Mas pagbubutihin pa raw ni Baron ang kanyang paghahanda, “Before the fight, five days lang ang training ko. At least I have a month and a half [now] to fix my lungs [and] to get in shape. I’ll just not gas out, I guess.”

 

Photos by: @baron.geisler.39(FB) and @badassmatos(IG)