Showbiz News

'My Love From The Star' co-stars, nag-bonding sa escape room game

By MARAH RUIZ

Magkakasamang sinubukan ng My Love From The Star co-stars na sina Jennylyn Mercado, Nar Cabico, at Analyn Barro ang isang zombie-themed escape room game. 

Kasama din nila ang kapatid ni Dennis Trillo na si Kakay Ho, pati na ang make-up artist na si Bibet Papa. 

 

Bigo man silang matapos ang challenge, nag-enjoy pa rin ang grupo sa pagkakataong mag-bonding sa labas ng set. 

 

Bukod sa escape room game, magkakasama rin silang naglaro ng badminton. 

 

Patuloy na panoorin ang offscreen at onscreen friendship goals nina Jennylyn, Nar, at Analyn sa My Love From The Star, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Mulawin VS Ravena sa GMA Telebabad.