Showbiz News

READ: Lolit Solis, nangakong iko-confess  ang lahat patungkol sa 1994 Manila Film Fest scam

By AEDRIANNE ACAR

Mga Kapuso, naaalala niyo pa ba ang controversial awards night sa Manila Film Festival noong June 1994 na gumuluntang sa mundo ng showbiz.

Matatandaan na minanipula ng talent manager na si Lolit Solis ang resulta ng mga nanalo sa kategorya na Best Actor at Best Actress.

Aminado si Lolit na sa sobrang pagmamahal sa kaniyang alaga noon na si Gabby Concepcion ay pinalitan niya ang winner for Best Actor na sa halip na si Edu Manzano ang nanalo ay si Gabby ang itinanghal na winner.

Ganun din ang nangyari sa Best Actress category na nasulot ni Ruffa Gutierrez ang parangal sa halip na si Aiko Melendez.Nagbalik-tanaw si Lolit Solis matapos ang 23 taon at inihayag niya sa Instagram ang kaniyang saloobin patungkol sa kontrobersyal na Manila Film Festival scam na bumago sa buhay niya.

Nagbalik-tanaw si Lolit Solis matapos ang 23 taon at inihayag niya sa Instagram ang kaniyang saloobin patungkol sa kontrobersyal na Manila Film Festival scam na bumago sa buhay niya.

Panimula ng showbiz columnist, “Naku, ewan ko ba. June 1994, bigla na lang pumasok sa utak ko kasabay ng Araw ng Manila iyong Film Fest scam na hanggang ngayon 'di ko malimutan. Maraming binagong buhay ang pangyayaring iyon, maraming bagay ang natutuhan.”

Lubos na pinagsisihan ni Lolit ang kaniyang mga nagawa.

Saad niya, “For life pagsisisihan ko ang nagawa ko at never kong forget that night. Pero ang dami ko rin gustong pasalamatan sa nangyari, dami ko natutuhan, na-discover, duon ko nalaman in a flick of a finger puwede mawala lahat, puwedeng mabago at duon mo makita ang tunay na pagkatao ng mga nakapaligid sa iyo ang, tibay ng friendship n'yo, ang lalim ng ugat sa foundation n'yo.”

Nagpakumbaba din ang talent manager at inako ang kasalanan sa pagpapalit ng resulta sa awards night at nangako na sasabihin ang lahat ng kaniyang nalalaman patungkol sa mga nangyari.

“Isang, araw sasabihin ko lahat ang katotohanan sa nangyaring scam hindi para linisin ang pangalan ko kundi para na rin wala iyong bigat sa dibdib ko. I am guilty, ako talaga ang gumawa ng scam gusto ko lang malaman n'yo rin ang mga bagay na totoong nangyari. One day I will tell that, one day I will confess. forgive me for the scam I committed, forgive me... ? #70naako #instatalk #lolitkulit (photo from the internet)”