Showbiz News

READ: 'Hindi madali maging artista' - Lovely Abella

By FELIX ILAYA

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Lovely Abella ang mga challenges na kinakaharap ng maraming artista pagdating sa pag-arte, lalo na sa pagganap ng mga mabibigat na roles.


Ani Lovely sa kaniyang post, "Hindi madali maging artista, yes, hindi po talaga madali. Ang akala ng iba 'pag napapanood ka sa TV madami ka ng pera o kaya 'pag umiyak ka na o nagpatawa ka ganoon lang kadali. Bawat pangyayari po ay binibigyan namin ng proseso, binibigyan ng totoong emosyon at sinasaloob namin ang character na ginagampanan namin. Hindi madali lalo na kung nahihirapan kang bitawan agad ang character na binuo mo at lalo na 'pag walang taong nagtiwala sa'yo na kaya mo."

Dagdag pa niya na malaki ang pasasalamat niya sa mga taong naniniwala sa kaniyang kakayanan bilang aktres, "Nagpapasalamat ako sa mga taong nagtitiwala sa kakayahan ko'ng magpatawa at lalo na ang kakayahan ko'ng maramdaman nila ang pinapanood nila. -- Sa eksenang ito hindi siya si Lovely, siya ay ordinaryong babae na binubugbog ng asawa niya at kahit kailan hindi niya minahal kaya [walang] ibang nasa isip niya kung 'di ang 'Tumakas.'"

Makikitang nakagapos at punong-puno ng sugat at pasa si Lovely sa kaniyang Instagram post. Nagpahaging ang aktres na ang eksena raw na ito ay para sa kaniyang panibagong proyekto.