Showbiz News

Sino ang mga Kapuso stars na nominado sa 40th Gawad Urian?

By FELIX ILAYA

Released na ang listahan ng mga nominees na kalahok sa 40th Gawad Urian. Ilan sa mga premyadong aktor at aktres na kabilang sa mga nominado ay ang mga paborito ninyong Kapuso stars.

Nominado bilang Best Actress para sa pelikulang "Ma' Rosa" si Jaclyn Jose.

 

Si Paolo Ballesteros naman ay nominadong Best Actor dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa "Die Beautiful."

 

Parehong Best Supporting Actress naman ang nomination nina Barbie Forteza at Janine Gutierrez para sa kanilang pelikulang "Tuos" at "Dagsin" respectively.

 

 

Proud na proud mother naman si Lotlot de Leon para sa kaniyang anak. Nominado rin bilang Best Supporting Actress si Lotlot para sa "Mrs."

 

Congratulations, mga Kapuso!