Showbiz News

WATCH: Pambansang Bae Alden Richards spotted at John Lloyd Cruz's party

By Aedrianne Acar

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagpunta ng Kapuso leading man na si Alden Richards sa post-birthday celebration ng Kapamilya talent na si John Lloyd Cruz.

LOOK: Alden Richards fanboys over John Lloyd Cruz and Bea Alonzo

Base sa video na inupload sa Instagram ni @rexatienza on June 25, makikita na tuwang-tuwa si John Lloyd na nakapunta ang AlDub actor sa kaniyang party. Makikita rin sa video na kinamayan ni Alden si Vhong Navarro na host ng karibal na noontime show ng Eat Bulaga.

IN PHOTOS: Unbreakable Kapuso-Kapamilya connections

Ayon sa ilang showbiz websites, ginanap ang birthday celebration na ito sa Cubao, Quezon City.


Aminado noon pa man ang Pambansang Bae na iniidolo niya si John Lloyd Cruz.

Matatandaan na noong December 2016, ibinahagi ng Kapuso actor ang isang photo sa Facebook kung saan na-meet niya ito at si Bea Alonzo.

LOOK: Alden Richards fanboys over John Lloyd Cruz and Bea Alonzo