Showbiz News

WATCH: Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, ilang baby ang gusto?

By Bea Francine Rodriguez

Gaganapin na ngayong Agosto sa kanilang nine-year anniversary ang kasal ng longtime couple na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap. 


Pareho silang hands-on sa kanilang wedding preparations, mula sa kanilang pre-wedding counselling hanggang sa entourage, guests at ang kabuuang selebrasyon sa kanilang espesyal na araw.
 
Sina Kapuso stars Luanne Dy, Andrea Torres at Max Collins ang maid of honors ni Rochelle, pati na ang ibang SexBomb Girls at kasamahan sa [PPL] management.
 
Malalapit din kay Arthur ang kanyang entourage tulad ng kanyang mga pinsan, mga katrabaho sa Pepito Manaloto at kanilang management.
 
Looking forward na talaga ang sweet couple sa kanilang big day. Ani ng bride-to-be, “Ang gusto ko lang ay masaya at saka alam kong ibibigay sa amin iyon ni God.”
 
Handa naman sa isang malaking pamilya si Mr. Solinap, ayon sa kanyang magiging asawa, “Gusto niya [ay] basketball team pero kung ano'ng ibibigay ni God, basta healthy.”
 
Dagdag pa ng aktor, “Kahit five man lang.”

Video courtesy of GMA News