Showbiz News

Francine Prieto, gustong mag-apologize ng personal sa nakabangga ng kanyang asawa

By Marah Ruiz

Sa press conference ng upcoming GMA Afternoon Prime soap na Haplos, hindi napigilan ng press na tanungin ang aktres na si Francine Prieto tungkol sa insidenteng kinasangkutan ng kanyang asawa kamakailan.

Hindi kasi pinayagang pumasok ng bansa ang kanyang American husband na si Frank Arthur Shotkoski matapos may makaalitan sa NAIA Terminal 2 noong June 24. 

"11:55 pm 'yung dating niya galing Singapore. Nakita niya' yung escalator wala namang harang, wala namang sign kung o ano man. Ang akala niya, 'yung escalator na kapag sumakay ka 'yung automatic umaandar. Kaso pagsakay niya, hindi [umaandar]. Bumaba na siya doon pero may dala siyang bagahe. Nadulas siya. Aksidente lang talaga 'yung nangyari," kuwento ni Francine sa piling miyembro ng media, kabilang na ang GMANetwork.com. 

Nasugatan daw ang kanyang mister matapos madulas kaya tila uminit ang ulo nito. 

"'Yung naging emosyon niya nung mga oras na 'yun, nagalit siya. Merong employee ng terminal na doon niya nailabas 'yung galit. Nasabi niya na bakit hindi man lang kayo naglalabas ng sign, pero siyempre may kasamang mura 'yung mga sabi niya. Siyempre po, na-offend 'yung tao. Tapos meron pang isang pasaherong Pinoy na dumadagdag din po doon sa galit niya. Nasabi niya na kayong mga foreigner wala kayong galang sa Pilipinas. Sabi niya, [ang] asawa ko Pilipina. Pero siyempre 'yung mood po hindi na maganda," pagpapatuloy ng aktres.

Black listed sa bansa ngayon si Arthur kaya lumipad muna ito pabalik ng Singapore habang inaayos ang kaso. Ayon kay Francine, pinagsisisihan daw ng kanyang asawa ang nangyari. 

"Ang importante lang naman po, willing na mag-apologize. Kahit ako po na hindi naman ako nandoon, pero dahil asawa ko siya at bilang Pilipino po, gusto ko din pong mag-apologize doon sa mga na-offend niya. Sana po ASAP matapos na po siya," ani Francine.