Showbiz News

WATCH: Kim Domingo, walang panghihinayang na hindi nasungkit ang korona sa 100 Sexiest poll ngayong 2017

By Aedrianne Acar

Blooming ang Kapuso Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo sa press conference ng kaniyang sexy photo book na State of Undress.

Sa naturang event, natanong si Kim ng 24 Oras sa naging resulta ng FHM Philippines 100 Sexiest in the World 2017 kung saan pumangalawa siya kay Nadine Lustre.

LOOK: Top 10 queens who ruled 100 Sexiest in the World 2017 list

Ayon sa Bubble Gang star, “Happy ako kumbaga happy ako sa naging resulta niya and I think naman lahat naman na nandoon sa list deserving naman sila.”

Dapat din daw mabasa ng mga fans ni Kim Domingo ang kaniyang photo book dahil hindi lamang puro sexy photos niya ang makikita.

Ikinuwento rin ng Kapuso actress ang mga struggles niya para matupad ang pangarap niya na makapasok sa showbiz.

“Puwede ko rin sabihan na puwede siya makapagbigay inspirasyon sa katulad ko dati na ‘yun nga nangangarap, na ako for example nangarap ako na makapasok ng showbiz. So 'pag nabasa nila 'yan maaring ay ganun pala ‘yung pinagdaanan ni Kim.”

On Jaclyn Jose and Marian Rivera

Determinado rin si Kim Domingo na balang araw ay makilala hindi lamang sa pagpapa-sexy, kundi sa husay niya sa pag-arte.

Kaya inspirasyon niya ang multi-awarded actress at co-star niya sa D’ Originals na si Ms. Jaclyn Jose.

“Dream ko na hindi lang puro pa-sexy kumbaga gusto ko rin matawag na aktres. Kasi 'di ba si Tita (Jaclyn Jose) before naman nag-start siya dun tapos napunta siya dun, na-establish niya ‘yung pangalan niya as an actress talaga,”

Sa pagtatapos ng kaniyang hit afternoon soap, looking forward na ang magandang dalaga sa primetime series kung saan makakasama niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

“Iniidolo ko talaga siya, 'tsaka before pa gusto ko na talaga siya makatrabaho.”


Video courtesy of GMA News