Showbiz News

READ: Kiefer Ravena's birthday message for Alyssa Valdez will make you believe in true love

By Aedrianne Acar

Todo pinakilig ng basketball superstar na si Kiefer Ravena ang mga KieFly fans sa birthday message niya para sa multi-awarded volleybelle at girlfriend niya na si Alyssa Valdez.

Matatandaan na noong June 2016, umamin ang dalawa na sila na sa isang TV interview. 

Sa mensahe na ipinost ni Kiefer sa Instagram kahapon, June 29 hiling niya ang good health at makaiwas siya sa injury lalo na at napipinto ang pag-compete nila sa nalalapit na Southeast Asian Games sa darating na Agosto sa Malaysia.

“Wishing this lovely lady a happy happy birthday! Thank you for being everybody's reason to smile i wish you good health and an injury free career! We have a long way to go but promise ill be there by your side. excited to be with you this SEA Games(hopefully) Happy birthday again, babe! I love you so much po!”

 

 

Samantala noong Marso, nahuli ang kapwa Ateneo alumnus ni Kiefer Ravena sa isang entrapment operation. Ito raw ay diumano’y nangikil sa basketball superstar kapalit ng impormasyon patungkol sa taong nagkakalat ng malalaswa niyang larawan sa Internet.

WATCH: Ateneo alumnus na nangikil kay Kiefer Ravena, arestado ng pulisya