Showbiz News

WATCH: Bakit naiyak si Bae-by Baste sa first day of school?

By Catherine Doña

Balik eskwela na ang munting Concert Prince ng Eat Bulaga.

Ang cute na cute na si Bae-by Baste, ipinost sa kanyang Instagram ang unang araw ng kanyang pagpasok.  

Makikita sa video na pagbaba pa lang mula sa sasakyan ay excited na ito pumasok sa school.


Ngunit sa susunod na video, makikita siyang umiiyak sa loob ng classroom. Saad ni Bae-by Baste sa kanyang post, "a little fears, a little tears but starting tomorrow I will surely love it here."


Hanggang sa pangalawang araw ay medyo nakakaramdam pa rin siya ng separation anxiety mula kay mommy.


Hindi bale Bae-by Baste, nandito kami para suportahan ka. 

School is cool kaya 'wag ka na mag-cry.