Showbiz News

WATCH: Dingdong Dantes, nakatutok pa rin sa mga proyekto ng YesPinoy Foundation

By Michelle Caligan

Kahit kaliwa't kanan ang showbiz commitments ay hindi nakakalimutan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang mga proyekto ng YesPinoy Foundation.

READ: Dingdong Dantes' YesPinoy foundation, NYC, & CCC strengthen partnership for #NowPH

Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, pumirma ng memorandum of agreement sa Smile Cares si Dong para tumulong sa education at training ng out-of-school youth.

Aniya, "Ang procedure na gagamitin ay 'yung STEAM education. Isa siyang tool na ginagamit sa ibang bansa para mabigyan namin ng edukasyon at kakaibang skills ang underprivileged youth natin."

Abala man lagi sa kanyang trabaho, hindi naman nawawalan ng oras si Dingdong sa kanyang pamilya.

"Ang pinakamahalaga ay ang pagmamahal sa pamilya, 'yung inspirasyon na binibigay nila sa akin at ang pagmamahal ko sa kanila," saad niya.