Showbiz News

Claudine Barretto to adopted daughter's bashers: 'It's my responsibility to be a mother and protect my child'

By Aedrianne Acar

Pormal na naghain ng reklamo ang celebrity mom na si Claudine Barretto laban sa basher ng kaniyang two year-old adopted daughter na si Quia Arianna Barretto sa National Bureau of Investigation (NBI).

READ: Newly adopted daughter ni Claudine Barretto, nilait ng isang basher

Sa panayam ni Claudine kay Nelson Canlas, gusto niya matigil ang pang-aalipusta online laban sa kaniyang anak na walang kalaban-laban.

Aniya, “Sinabi 'I’ve got nothing against you but your ampon is really panget by all means.' [I want] to stop bullying, cyberbullying at saka bata ito two years old. She (Quia) cannot talk na diretso, she cannot defend herself.”

Ayon naman sa chief ng Cybercrime division  na si Martini Cruz, pag-aaralan nila mabuti ang reklamo ng aktres.

Saad ni Chief Cruz, “Wala pa tayong masasabing penalty, kasi wala pa tayong batas sa cyberbullying. Mayroon nito sa mga paaralan, sa mga nag-aaral mula elementary o sa mga mas bata pa dun hanggang high school,”

“Hanapan natin kung ano pa puwede natin i-kaso sa mga taong ito, maliban sa cyberbullying. Puwede rin po natin tingnan ‘yung VAWC or Violence Against Woman and Children or Minors,” dagdag nito.

Binigyan diin ni Claudine na gagawin niya ang lahat bilang ina para maprotektahan ang kaniyang adopted baby at hangad niya na hindi maranasan ng iba ang katulad na ginawang pangba-bash kay Quia.

“God gave her to me and it’s my duty, it’s my responsibility to be a mother and  protect my child, so that hindi rin ito mangyari sa maraming tao. Balang araw kapag ka nakita niya na may tumawag sa kaniya ng ganito, ipinaglaban ako ng mom ko.”

Video from GMA News