Showbiz News

WATCH: Sandara Park, ibibida ang ganda ng Pilipinas sa Korea

By Bea Rodriguez

Isa si Sandara Park sa biggest stars ng Korea at tinaguriang Korean Pop idol sa Asya ngunit hindi pa rin niya nakakalimutan kung saan nagmula ang kanyang karera.

Bago pa man sumikat si Dara sa international scene sa pamamagitan ng hottest girl group na 2NE1, namamayagpag na ang showbiz career ng “Pambansang Krungkung ng Pilipinas” matapos ang kanyang stint sa isang reality show noong 2004.

Simula 2007 ay permanente nang umalis ang pamilya ni Park ng Pinas at sa South Korea niya na ipinagpatuloy ang kanyang karera sa gabay ng YG Entertainment na isa sa top K-Pop entertainment companies sa bansa.

Malayo na ang narating ng Korean singer-actress ngunit hindi pa rin natatanggal sa kanyang sistema ang kanyang pusong Pinoy.

“Someone was asking me, ‘I booked my flight for Cebu, but do you think is it safe to go?’ I said, ‘Yes, go!’ I’m trying to tell them what I experienced and what I feel about the Pinoys, how friendly they are. I’m telling them what I feel, and what I experienced from the Philippines,” bahagi niya sa report ng Balitanghali.

Mula nang nag-disband ang 2NE1 noong nakaraang taon, nag-focus na si Dara sa kanyang solo career. Nitong buwan lang ay inilunsad ng bigating aktres ang kanyang sariling YouTube channel na DARA TV.


Nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Sandara upang ipakita ang ganda ng Pilipinas sa kanyang Korean fans at followers.

“Kita tayo soon and maraming salamat sa suporta niyo sa akin. Talagang, wala akong masabi.  Mahal na mahal ko kayo,” pagtatapos niya.