Showbiz News

Jake Vargas, nag-celebrate ng kanyang birthday kasama si Inah de Belen at mga fans

By Maine Aquino

On July 12, punong-puno ng kantahan at sorpresa ang naging kaarawan ni Jake Vargas.

Ginanap sa Puradak Chicken sa Timog, Quezon City ang birthday celebration ni Jake na dinaluhan ng kanyang fans mula sa iba't ibang lugar. 

Naging highlight naman ng kanyang kaarawan ang espesyal na bisita nitong si Inah de Belen. Si Inah ay nagsilbing sorpresa para sa celebration ni Jake. Baon ni Inah ang isang sweet na birthday wish para kay Jake. Aniya, "Always take care of your health. At you know na I'm always here for you. Ilang beses ko na 'to sinabi sa kanya, huwag mong kakalimutan 'yung mga tao na nandiyan para sa 'yo from the very beginning."


Ang birthday boy naman ay nagpahayag ng kanyang mensahe sa mga taong nagmamahal simula ng pumasok siya sa industriya. 

Saad ni Jake, "Sa lahat lahat ng nagmamahal sa akin, sumusuporta, thank you sa suporta ninyo."