Showbiz News

MUST-WATCH: Ano ang diet ng 'Bubble Gang' girls?

By Bea Rodriguez

Tuwing Biyernes, nasisilayan natin ang kaseksihan ng Bubble Gang girls sa kanilang show, lalong lalo na sa panahon ng tag-init. Pero hindi nagtatapos doon ang pagpapanatili nila ng kanilang fit at healthy bodies kahit ngayong tag-ulan na.

Todo gym at diet pa rin ang ating mga Kababol. Hindi man maiiwasan ang kanilang cravings sa matatamis, meron naman silang mga substitute dito.

May dala-dalang cacao at cereals si Kapuso Pantasya ng Bayan Kim Domingo sa set, “Instead of chocolate, ito na lang kasi mas healthy pa. Ito ang cereal, instead of junk foods, pinapapak ko lang siya.”

Kitang kita naman na Banana Que at Camote Sticks ang merienda ni sexy siren Arny Ross.

Nakapagpabawas naman sa timbang ni Lovely Abella ang kanyang kinakain, “Almonds is protein iyon eh, good protein. Kumbaga, good fats siya na pwede mong kainin.”

Protein bar at saba naman ang baon ni Nicole Donesa, “Hindi lang siya protein. ‘Yung cravings [ko] sa sweets, di rin nawawala. Ito ‘yung binibili ko [kasi] sobrang helpful siya.”

Kakaiba naman ang kinakain ng funny mommy na si Chariz Solomon. Lemon garlic tinapa ang binahagi niya sa Unang Hirit, “Sa mga ganitong araw na pagod na pagod ka, kumain ka ng nararapat at wasto.”