Showbiz News

WATCH: Camera na gamit sa Book 2 ng 'Alyas Robin Hood,' katulad ng ginagamit sa Koreanovelas

By Michelle Caligan

Bukod sa mas pinagandang kuwento at mas maaksyong mga eksena, level up din ang mga camera at iba pang equipment na gagamitin sa second season ng Alyas Robin Hood. Nagsimula nang mag-taping ang cast nitong Martes, July 18.

IN PHOTOS: Ang first taping day ng 'Alyas Robin Hood' Season 2

Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, mas high-end na camera ang gamit ngayong ng hit primetime series.

"It's called an Amira. Ito 'yung standard na ginagamit ng mga Koreanovelas na pinapanood ninyo. 'Yung Descendants of the Sun, My Love From The Star. It's just part of our commitment to the audience to always bring them a world-class quality show," kuwento ni Direk Dominic Zapata.

Si Dingdong Dantes naman, abot langit ang tuwa sa pagbabalik niya sa taping pagkatapos ng limang buwang pahinga.

Aniya, "Alam mo 'yung pakiramdam na parang it feels like home? Kaya dito, pati ang location, pareho lahat. Na-miss talaga namin ang isa't isa."