Showbiz News

Ahron Villena to Kakai Bautista: 'There was never an us'

By Aedrianne Acar

Muling naglabas ng saloobin ang actor na si Ahron Villena patungkol sa isyu sa pagitan nila ng kaniyang dating matalik na kaibigan na si Dental diva Kakai Bautista.

LOOK: Are Kakai Bautista and Ahron Villena having a Twitter war?

Hindi kasi nagustuhan ni Ahron ang mga naging pahayag ni Kakai sa isang event para sa kaniyang concert na ‘Live, Laugh, Love’ sa Pasay city.

Natanong kasi ng miyembro ng press ang comedienne/singer kung kamusta na sila ng ex-rumored boyfriend niya.

Ayon kay Kakai, "Hindi kami speaking terms, pero nagkita na kami ulit, we had dinner. Okay na kami, hindi na namin pinag-usapan ang past. Basta ang importante, puwede na kaming magtrabaho. Masaya ka, masaya na ako, 'di ba?"

Dagdag pa niya, "Wala siyang ipinakilala. Kahit naman hindi niya ipakilala (laughs). Accepted ko naman kung ano man siya."

Sari-sari ang naging reaksyon ng mga tao sa statement na ito ni Kakai at mayrun din ilan na nagsabi na ‘tila kumpirmasyon ito mula sa magaling na singer sa totoong sekswalidad ni Ahron Villena.

Isang mahabang statement ang nilabas ni Ahron nitong Sabado, July 22 sa Facebook.

Ito na daw ang huling pagkakataon na maglalabas siya ng pahayag.

Ayon sa aktor, “This will be the last time na magsasalita ako about sa issue na ito. May mga ilan taong pumuna sa post ko. Karamihan dito mga hindi ko personal na kilala. May mga ilang personal friends din naman who encouraged me to speak out kasi kilala nila kung sino ako. Mayroon din naman iba na nakisali na sa gulo. Sabi i deserve to be outed because namahiya ako.”

Humingi din ng paumanhin si Ahron sa mga na-offend sa nauna niyang post.

“Yes, the words I used in an earlier post related to this matter are quite strong. But those were not intentional. I am angry, and the words that came out are those of an angry person. I apologize if I became offensive but everything I said are true.”

Naniniwala rin ang aktor na ginagamit siya ng dental diva para sa pag-promote nang nalalapit niyang concert.

“I personally believe that I did the right thing in having my 'voice heard' because I refuse to let my reputation be abused by a person who finds it convenient to use me for the promotion of her upcoming show. Those where honest words of an angry guy meant to express one's feeling but not to shame anybody.”

Humingi rin siya ng tawad kay Kakai kung may nararamdaman pa rin itong sama ng loob. Tinutukoy dito ni Ahron ang misinterpretation ni Kakai na mayrun namumuong pagtitinginan sa kanilang dalawa, pero nilinaw niya na best friend lang sila ng comedy actress.

LOOK: Dental diva Cacai Bautista and Ahron Villena, together in Calaguas Island?

“Ngayon eto na naman ako. Defending not my sexuality like what she intentionally implied, because some of you have obviously formed your own opinion base on what you want to believe. Pero gusto ko lang ihinga ang inis ko sa pagkakadawit ng pangalan ko sa promotion niya. Nahimasmasan na ako ng konti. Inis ako pero hindi na galit. So if you expect me to say something bad just because she has attacked my reputation, I won't, in fact, I simply would like to say that I'm sorry dahil hanggang ngayon pala may sama pa rin yata siya ng loob sa akin.”  

“Sama ng loob na akala ko wala na dahil yun huli namin pagkikita ay nagbiruan pa kami at nagpahatid pa nga siya sa akin. At any rate, naniniwala ako that the malicious words she has stated simply stems out of sadness or bitterness of the fact that there was never an us. Sinasabi ko ito nang walang malisya o halong pangiinsulto.”

Dagdag niya, “I'm simply stating a fact na alam kong malinaw sa akin, sa mga taong nakapaligid sa amin, at akala ko sa kanya rin. If i was not clear enough then i'm sorry. We were friends and i thought it was a good friendship. Para sa akin isa siyang kaibigan at mananatili siyang kaibigan especially when the time has come that she is able to let go of her other feelings but focus on the great friendship that we had. For now I will find it in my heart to forgive her, we all know that those words were only uttered because she continues to be hurt for something that never was and never will be." 

Panghuli, nagbigay ng mensahe din si Ahron sa kaniyang mga supporters at pati na rin sa mga bashers.

“Again these words are not meant to hurt or insult. Simply stating a fact here, a fact that I've told her in private several times before as witnessed by our manager. Again this will be the last time I'll say anything about the matter. Thank you for those who continues to believe and support me and for those who are angry or are attacking me I want to say that may God be our judge. Goodnight :)”