Showbiz News

READ: Comedy Queen Aiai delas Alas may big project kasama si Bossing Vic Sotto

By Aedrianne Acar

May nilulutong bagong proyekto ang Comedy Queen of the Philippines na si Aiai delas Alas kasama ang veteran Eat Bulaga star na si Vic Sotto.

 

 

Sa isang panayam matapos ang pag-renew niya ng kontrata sa GMA-7 ngayong Lunes ng hapon, July 24, nagbigay ng ilang detalye ang award-winning comedienne patungkol sa exciting project na ito.

Kuwento ni Aiai, “Okay naman, nag-pictorial na kami ‘yung magiging concept is siyempre secret muna. Malapit na siya, siguro by September, kasi magmi-meeting na kami this week.”

Dapat din daw abangan ng mga Kapuso, ayon kay Ms. Lilybeth Rasonable na tumatayong GMA Entertainment TV Senior Vice President, ang mga plans nila para sa nag-iisang Comedy Queen.

“She has something with Vic [Sotto], but we also talked na, 'di ba nagkaroon na siya ng maraming awards even sa drama 'di ba as a serious actress, we wanna explore that also with her.”

Dagdag niya, “Because, we know that she is a total performer. Not only good in comedy, not only in concert and box office drawer, but also ‘yun sa larangan ng serious drama kaya rin niya. So, nag-uusap kami na baka may something na puwede niya gawin for us in that format.”