Showbiz News

LOOK: Dingdong Dantes, sumalang na sa pictorial ng 'Alyas Robin Hood'

By Al Kendrick Noguera

Malapit na ninyo muling mapanood ang pinakaswabeng teleserye ng GMA, ang Alyas Robin Hood na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Ngayong araw, July 24, sumalang na sa pictorial ang cast ng nasabing sequel ng hit Kapuso soap. Ipinasilip ng manager ni Dingdong na si Perry Lansigan ang larawan ng kanyang talent sa kanyang Instagram.

 

"On going ARH2 pictorial with Dingdong," saad ni Perry.

Abangan ang pagbabalik ng Kapuso Primetime King sa telebisyon sa Alyas Robin Hood, soon on GMA Telebabad.