Showbiz News

Sunshine Dizon thanks Kris Aquino for binge-watching 'Ika-6 Na Utos'

By Michelle Caligan

Dumadami na ang celebrity fans ng top-rating afternoon drama na Ika-6 Na Utos. Kabilang sa mga bumilib sa mga eksena nito sina Direk Joey Reyes at Iza Calzado.

READ: Direk Joey Reyes calls 'Ika-6 Na Utos' the "best show on commercial TV today"

Ngayon naman, ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay umamin na diretsong pinanood ang 33 episodes ng Afternoon Prime series.

 

Nagpasalamat naman ang lead actress ng show na si Sunshine Dizon. "Thank you Ms. Kris Aquino, we appreciate it," aniya sa caption.

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamayagpag ng Ika-6 Na Utos, at marami pang tagpo ang dapat abangan. Isa na rito ang eksenang nai-post ni Angelika dela Cruz sa kanyang Instagram.