Showbiz News

Alden Richards, makikisaya sa Texas ngayong August 13

By Gia Allana Soriano

Makakasama ng mga Kapuso fans sa Texas ang Pambansang Bae na si Alden Richards ngayong August 13 para sa "Fiesta Ko Sa Texas 2017" na gaganapin sa Bayou City Event Center. 

Presented by GMA Pinoy TV and GMA Life TV, magkakaroon ng mini concert ang aktor, at may meet and greet pa with the fans. Aniya, "First time ko makakapunta, and to see our fellow Kapuso doon. Ayun, looking forward po ako." May mga lucky fans din na maaring maguwi ng signed "Say It Again" album ni Tisoy sa event.

 

Bukod sa kanyang pa-concert, maglilibot libot din daw ang Kapuso star, at kasama na sa kanyang itinerary ang pagbista sa Johnson Space Center ng NASA. Aniya, ito raw ang dahil pinangarap niya maging isang astronaut. 

Panoorin ang report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras: