Showbiz News

Glaiza De Castro, lilipad ng Canada para sa GMA Pinoy TV

By Gia Allana Soriano

Byaheng Canada ang Kapuso actress na si Glaiza De Castro para sa GMA Pinoy TV event titled "Pinoy Fiesta, Unang Hirit sa Tag-init" ngayong August 13 sa Memorial South Park, Vancouver.

Masaya naman si Glaiza dahil makakasama na niya ang mga Encantadia fans sa Canada. Ang aktres ay ang gumanap bilang si Pirena, ang panganay na anak ni Minea (Marian Rivera) sa requel ng nasabing show.

Aniya, "Doon sa mga Encantadics doon sa abroad na na-se-sepanx sa mga characters namin doon, syempre napapanood nila kami sa Mulawin [VS Ravena], diba? So, may follow up."

Makikipag-collaborate rin si Glaiza sa isang Pinoy na guitarista na nakilala niya sa kanyang concert noong 2015 sa Canada. Aniya nagpra-practice rin daw sila "through Facetime." 

Susunod namang pupunta si Glaiza sa New York, at pagkatapos ay dadaan sa Toronto pagdating ng August 20.

Panoorin ang report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras: