Showbiz News

Bruno Gabriel, isa sa mga lead stars sa G.R.I.N.D. (Get Ready It's a New Day) na ipapalabas sa GMA Network

By Gia Allana Soriano

Isa sa mga lead stars si Bruno Gabriel sa G.R.I.N.D. (Get Ready It's a New Day). Anak ng former sexy actress na si Lani Lobangco, at isa ring modelo, hindi na bago kay Bruno ang buhay showbiz. Nakasama rin ang aktor sa GMA drama na Hahamakin Ang Lahat starring Joyce Ching at Kristoffer Martin, at sa iba pang GMA shows bago siya nag-lead role sa upcoming millennial-oriented drama na ito.


Sa press conference para sa show, naikuwento ni Bruno kung ano ang pinagkaiba at pinagkapareha nila ng karakter niyang si Carlo Yuson, isang overachiever na mukhang palaban ngunit sensitive rin naman deep inside. 

Aniya, "For me, siguro I can say na with Carlo, the character, ang pinaka-closest [na similarities] ko sa kanya with my life would be the business side."

Paliwanag niya, "Kasi the way millennials work, sometimes umaabot na sa personal level na parang sa sobrang hardworking mo, that work isn’t fun anymore. When the time comes na nakaka-experience ka ng unting happiness like good food, or friends na [similar ‘yung interests] you just get hooked with that. You have a hard time getting back [to reality]." 

Dagdag naman ni Bruno na malayo ang family problems ni Carlo sa kanya. Ika niya, "'Yung sobrang iba para sa akin would probably be the relationships, most importantly sa character ko. [Because I’m] very close [with my family]."

Makakasama ni Bruno sina Jazz Ocampo, Ayra Mariano, Kim Rodriguez at Benedict Campos sa G.R.I.N.D. (Get Ready It's a New Day), ngayong August 19 na at 11 PM sa GMA.