Showbiz News

'StarStruck' graduate Arci Muñoz's 'new face' draws mixed reactions from netizens

By Aedrianne Acar

Mainit ang balitaktakan ng mga netizens sa Twitter tungkol sa viral photo ng dating StarStruck finalist na si Arci Muñoz.

18 famous celebs you didn't know opted for cosmetic surgery

Pinag-uusapan kasi ang photo ng singer/actress sa isang event ng BPO company kamakailan lang sa World Trade Center.

Dito maraming nakapansin na tila may nag-iba sa itsura ni Arci at ang ilan ay nagsabi na nagparetoke raw ang aktres.Ngayong Biyernes, August 11 nasa top trending topics sa Twitter Philippines ang aktres.


Ilang netizens ang tila nadismaya sa bagong look ni Arci at diretsahan nilang sinabi na masama raw ang resulta ng plastic surgery nito.

May mga nagtanggol din sa StarStruck graduate at sinabi na walang pakialam ang mga tao sa bago niyang look.

Wala pang opisyal na pahayag o kumpirmasyon si Arci kung totoo bang sumailalim siya sa isang cosmetic procedure.

Photo by: frahmieliglesias (TW)

Tags:
arci munoz