Showbiz News

WATCH: Ano na ang plano ni Gil Cuerva pagkatapos ng 'My Love From The Star?'

By Al Kendrick Noguera

Nagwakas na ang unang teleserye ni Kapuso actor Gil Cuerva na My Love From The Star kagabi, August 11.

Matapos magpakilig bilang si Matteo, ikinuwento ni Gil ang naranasan niya sa kanyang first TV show sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras. "Fantastic and it's really a huge blessing. For this to be the start of my career, for this to be the entry point for me in terms of becoming an actor, it's been everything even more than I could have asked for," pahayag niya.

Ayon pa kay Gil, hindi raw siya nagsisisi na iwan ang kanyang modeling career para sa telebisyon. Aniya, "This is the career I want for me. I want to become an actor."

Kung bibigyan ng susunod na Kapuso project, sino kaya ang gustong makatrabaho ni Gil? 

"'Di ako mapili kung sino 'yung magiging next partner ko. Whoever I work with, I'm fine. I'm excited to work again," sagot niya.

Abangan si Gil sa kanyang susunod na GMA show.

Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report: