Showbiz News

WATCH: Alden Richards, bakit hindi kasama si Maine Mendoza sa Kapuso show abroad?

By Bea Rodriguez


Ini-enjoy ngayon ni Pambansang Bae Alden Richards ang kanyang pagbisita sa Houston, Texas para sa “Fiesta Ko sa Texas 2017” na hatid ng GMA Pinoy TV.

Sa press conference kanina, marami ang nagtatanong kung bakit wala ang kanyang love team partner na si Phenomenal Star Maine Mendoza.

Mabilis na sagot ni Alden, “Naku po! Medyo last minute po kasi itong announcement po ng Texas so we didn’t have time to prepare. Si Maine po [ay may] opening ng latest business venture niya so that’s the reason why hindi po siya kasama.”

Binahagi na rin ng Kapuso star ang kanyang mga nakapilang projects, “Aside from Eat Bulaga and Sunday PinaSaya, Maine and I are working on something new for a movie, but not this year po. I can’t really expound on the details kasi medyo confidential pa po siya.”

Hindi rin makapag-extend ang Pambansang Bae sa kanyang stay sa Amerika dahil sa isang special project, “We’re doing a Martial Law special po sa GMA. We’ll be doing a documentary on the victims of human rights violation po during the Martial Law.”

 

 

 

 

Excited na si Alden sa kanyang show bukas na gaganapin sa Bayou City Event Center. Aniya, “[It’s going to] be a lot of fun, there [will be] a lot of fun, dancing, singing, games, and etc. We’re [going] to make the debut of GMA Pinoy TV here in Houston a plus. Sagot na po namin ang kasiyahan tomorrow so magkita-kita po tayo lahat. Maraming-maraming salamat po, and God bless everyone!”