Showbiz News

FIND OUT: Sino ang mga makakasama nina Vic Sotto at Dawn Zulueta sa kanilang MMFF movie?

By Michelle Caligan

Last week, inanunsiyo ni Dawn Zulueta sa kanyang Instagram account na magkakaroon sila ng reunion project ni Vic Sotto at magiging entry pa ito sa 2017 Metro Manila Film Festival.

READ: Vic Sotto at Dawn Zulueta reunion project, kasado na! 

Ngayong Lunes, August 14, nag-post naman ang Alyas Robin Hood star na si Andrea Torres sa kanyang Instagram account na kasama siya sa naturang pelikula.

"New blessing," aniya sa caption.

Kung pagbabasehan ang larawan, ang pamagat ng kanilang MMFF entry ay 'Meant To Beh' at si Chris Martinez ang magiging direktor nito. Bukod kay Andrea, nasa cast din sina Bae-by Baste, Gabbi Garcia, JC Santos at Daniel Matsunaga.