Showbiz News

WATCH: Vic Sotto, nagkomento tungkol sa mainstream at indie films sa MMFF

By Cherry Sun

Nagbigay ng opinyon si Vic Sotto tungkol sa kontrobersyal na mix ng mainstream at indie films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Matapos lumiban sa MMFF noong nakaraang taon dahil hindi makasali ang kanyang entry na Enteng Kabisote 10 and the Abangers, nagbabalik si Vic ngayon sa pamamamagitan ng pelikulang Meant To Beh: Ika-something na Utos. Dito ay muli rin niyang makakatambal si Dawn Zulueta na huli niyang nakatrabaho mahigit 20 taon na ang nakalipas sa Okay Ka, Fairy Ko! noong 1995.

“Marami na kaming pinagsamahan ni Dawn,” ani Bossing sa 24 Oras.

“I’m very excited, really. 'Di ko nga akalain na mauulit pa eh. Hinding-hindi ko makakalimutan ‘yung mga masasaya naming eksena sa Okay Ka Fairy Ko,” pagsang-ayon naman ni Dawn.

Makakasama ni Vic sa pelikula ang fellow Kapuso stars na sina Andrea Torres, Ruru Madrid, at Gabbi Garcia. Samantala, gaganap naman na anak nila ni Dawn si Bae-by Baste.

“Sabi niya sa akin, pinag-aaralan pa rin daw niya ‘yung role niya. Kailangan niya mag-internalize,” kuwento ni Vic.

Sa parehong ulat, nagbigay rin siya ng pahayag tungkol sa maselang usapin tungkol sa mainstream at indie films sa MMFF.

Wika niya, “I definitely agree with the rules na for this year na to accommodate everyone. Personally, I don’t look at it that way eh, na ito indie, ito mainstream. Para sa akin, pare-pareho, puro Filipino film ‘yan eh.”

Video from GMA News