Showbiz News

WATCH: Benjamin Alves, lubos ang pag-aalala para sa pamilya sa Guam

By Marah Ruiz

Humupa na ng bahagya ang tensiyon sa Guam kung saan naninirahan ang pamilya ni Kapuso actor Benjamin Alves.

Aminado ang aktor na lubha ang kanyang pag-aalala para sa kanyang mga mahal sa buhay noong kainitan ng balitang balak itong pasabugan ng missile ng bansang North Korea. 

"Every night, nagte-text ako sa mommy and daddy ko. In the morning, I also make sure that I text because 'yun nga, nagising ako to that news. I don't wanna wake up to the news na may nangyari," bahagi ni Benjamin. 

Samantala, nalalapit na ang pagtatapos ng seryeng pinagbibidahan ni Benjamin na I Heart Davao. Matapos nito, mas pagbubutihin pa raw niya ang kanyang acting para makapaghatid ng mas magaganda pang mga projects. 

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: 

Video from GMA News