Showbiz News

Patikim sa kantang 'Hugot' ni Regine Velasquez-Alcasid, nag-trend sa social media

By Maine Aquino

Trending ngayong araw, August 18 ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid dahil sa patikim ng kanyang awitin para sa pinakaaabangang album na R3.0.

Usap-usapan online ang kantang "Hugot" at ayon sa mga fans ni Regine ay excited silang mapakinggan ang kabuuan nito. Umani rin ng papuri si Regine dahil sigurado umano silang mag-number one ang "Hugot."

 

 

 

Ilan rin ang naka-relate sa mga linyang binitawan ni Regine sa kantang ito kaya naman kanilang ibinahagi ang parte ng lyrics na kumurot sa kanilang puso.

 

 

Excited na ang iyong fans na marinig ang kabuuan ng "Hugot," Regine! 

Video courtesy of churvangsweet xxv