Showbiz News

READ: Kris Aquino calls out James Yap for using their son Bimby for publicity

By Bea Rodriguez

Binasag na ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kanyang pananahimik kay James Yapat dahil ito sa kanilang anak na is Bimby Aquino Yap.

Diretsiyahang tinawag ni Kris ang pansin ng kanyang dating asawa sa social media matapos nitong magbigay ng pahayag sa pagbubukas ng negosyo nitong bar, “James Yap - stop using Bimb for publicity, most especially when you are opening a BAR! That is the wrong venue to be discussing your relationship (or in this case lack of one) with your son. The proper thing to do would have been to answer, "THIS ISN'T THE CORRECT VENUE TO DISCUSS MY RELATIONSHIP WITH MY SON AND I WOULD APPRECIATE IF YOU COULD RESPECT OUR PRIVACY."

Ibinunyag pa ng TV host na si James ay isang iresponsableng ama at hindi umano kusang lumalapit sa kanilang sampung taong anak, hindi gaya ng kanyang bagong partner na si Michela Cazzola na talagang ume-effort na makilala sina Bimby at Josh Aquino.

Hindi papayag si Kris na matapak-tapakan ang kanyang mga mahal sa buhay nang dahil sa walang katotohanang paninira at dapat raw matutunan ng professional basketball player na respetuhin ang katahimikan ni Bimby alang-alang sa kanyang kapakanan.

Tanging kahilingan ng isang protective mom, “My only prayer now is that we all live in harmony and mutual respect by giving each other mutual peace. Sobrang simple – huwag mo kaming pag-usapan at guluhin, mananatili akong tahimik. Dahil ang pinakapinahahalagahan ko higit sa sarili ko ay ang mapalaki nang maayos, matalino, magalang, at mapagmahal ang anak natin.”