Showbiz News

'Bubble Gang' comedienne Chariz Solomon sinugod sa ospital

By Aedrianne Acar

Maraming showbiz friends ng Bubble Gang star na si Chariz Solomon ang nag-alala matapos maospital ang magaling na comedienne.

Ibinahagi nina Valeen Montenegro at Lovely Abella ang pagbisita nila kay Chariz sa kanilang Instagram. Bukod sa dalawa, nakadalaw rin ang singer/actress na si Denise Barbacena.


Super na-touch naman si Chariz sa pag-aalala ng kaniyang co-host na binigyan siya ng bouquet at card.

 

 

 

Nagpaabot din ng mensahe ang mga celebrities na sina Diana Zubiri at Maureen Larrazabal sa Kapuso actress.

 

 

Birthday

Ngayong Martes, August 22 ipinagdiriwang naman ng Bubble Gang mainstay ang kaniyang birthday.

May extra sweet message si Arny Ross para sa kaniyang Ate Cha. Ayon sa kaniyang Instagram post, lubos ang pasasalamat niya rito dahil source niya ito ng inspiration.

Aniya, “Pak! Happy happy birthday Ate Chaaaaaaaaaa… Anyway, thank you Ate for inspiring me, ALWAYS. Alam mo naman db ikaw talaga ang peg ko for my future SUPER MOM! Ikaw na talaga yan!?? Wish ko sana bigyan ka pa ng maraming lakas at energy pa ni Lord to take care of your chikitings and Kuya Nestor And pls. dont forget to take care of yourself too! Enjoy your quality time with your family Ate, i love you so much! Happy Happy birthday.”