Showbiz News

GMA shows, niri-remake na sa iba't ibang bahagi ng mundo

By Marah Ruiz

 

 

Pang-international na talaga ang ganda ng mga shows ng GMA Network! 

Hindi na lang basta mapapanood ang mga orihinal na palabas ng Kapuso network sa iba't ibang mga bansa. May ilan pa sa mga ito na ini-remake na rin, salamat sa pag-acquire ng format rights ng mga production companies na mula sa Asia at Latin America. 

2012 nang bilhin ng isang Cambodian broadcaster ang format rights para sa Impostora. 2015 naman nang makuha ng isang Vietnamese company ang remake rights para sa Kung Aagawin Mo Ang Langit. Isang taon lang ang makalipas, apat na teleserye naman ang nakapagbenta ng format rights nito sa bansang Mexico—The Half Sisters, Munting Heredera, My Destiny at Ang Dalawang Mrs. Real

Sinisikap din ng GMA na maibenta sa global market ang mga 'unscripted formats' nito. 

Ilan dito ay ang mga game shows tulad ng Celebrity Bluff at Picture! Picture!, talent searches tulad ng StarStruck at Protege pati na reality shows tulad ng Extra Challenge at Follow Your Heart