Showbiz News

WATCH: Do we hear wedding bells soon for Lovi Poe and rumored Fil-French boyfriend? 

By Aedrianne Acar

Wala pa sa plano ng Kapuso drama actress na si Lovi Poe ang magpakasal.

Ito ang diretsahang sagot ni Lovi nang tanungin ni Lhar Santiago sa panayam nito sa Chika Minute.

IN PHOTOS: Lovi Poe explores Palawan with Fil-French BF

Usap-usapan sa showbiz na in a relationship na ang anak ng yumaong Fernando Poe Jr. sa Fil-French na si Chris Johnson.

Sa katunayan magbabakasyon ang dalawa sa Europe at plano nilang magkita sa France bago maglibot-libot.

Hindi man direktang inamin ng Kapuso actress ang relasyon niya kay Chris ay super ine-enjoy naman daw nilang dalawa ang mga moments na magkasama sila.

Aniya, “Everything is good, we are enjoying every moment and you know every moment that we are together or every moment that we are apart.”

Nilinaw din ni Lovi na wala pa sa plano niyang magpakasal, kahit may asawa na ang kaniyang mga kaibigan na sina Heart Evangelista at Solenn Heussaff.

“No, wala pa akong plano, because I’m still in my 20s [laughs]. So, I’m still far from that, it’s not even on my list yet.”

 

Pinag-usapan din ang suit na suot niya sa premiere night ng movie niya with Vhong Navarro na Woke Up Like This.

Kuwento ni Lovi na nakita ni Chris ang panlalaking OOTD niya at sobra daw nagustuhan ito ng kaniyang rumored boyfriend.

Wika niya, “Nakita naman niya kanina through Face Time na naka-suit ako, tuwang-tuwa naman siya.”

May sorpresa din ang Kapuso actress sa kaniyang mga fans na namiss siya sa telebisyon, dahil pagbalik niya sa kaniyang European vacation ay may bago siyang project.

Aniya, “Abangan niyo po 'yan kasama ko ang mga kaibigan ko sa mga teleserye na ito, so I’m really excited.”

 

Tags:
lovi poe