Showbiz News

WATCH: Marian Rivera and other celebs who auditioned for 'MariMar' in 2007

By Al Kendrick Noguera

Taong 2007 nang masungkit ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang role na MariMar, ang lead character sa filipino adaptation ng sikat na Mexicanovela na pinagbidahan ni Thalia.

Ang MariMar ang biggest break ni Marian sa industriya at ito ang nagbukas ng pintuan upang lalong sumikat ang aktres. Matapos ang Kapuso teleserye na ito, sunod-sunod na lead roles na ang natanggap niya tulad ng Dyesebel at Darna.

Pero bago makuha ni Marian ang role, maraming female celebrities din ang sumubok na masungkit ito. Kilalanin kung sino-sino ang mga kasabayan ni Marian sa audition para sa MariMar sa video na ito.

YouTube video courtesy of Noynoy Fernandez