Showbiz News

WATCH: Glaiza de Castro revives OPM hits, 'Itanong Mo sa mga Bata' and 'Bato sa Buhangin'

By Felix Ilaya

Naglungsad ng isang press conference ang Kapuso star na si Glaiza de Castro last September 7 upang i-promote ang kaniyang upcoming concert na 'Kun[g]diman.' 

Habang nasa event, inawitan ng aktres ang mga miyembro ng press bilang patikim sa mga dapat abangan sa kaniyang concert na gaganapin ngayong October 27. Ilan sa mga inawit ni Glaiza ay ang OPM hits na "Itanong Mo sa mga Bata" ng ASIN at "Bato sa Buhangin" ng Cinderella.

Panoorin ito below:


Maliban sa mga song revivals, kumanta rin si Glaiza ng dalawang originals, ang "Dusk 'til Dawn" na carrier single ng kaniyang 'Synthesis' album at "Sinta" na isinulat ni Angelica Panganiban para sa kaniyang panibagong album na 'Magandang Panimulain.'

All videos courtesy of Felix Ilaya

Abangan ang concert ni Glaiza na 'Kun[g]diman' this October 27 sa Music Museum.