Showbiz News

WATCH: Rachelle Ann Go, ikinuwento ang proposal sa kanya ni Martin Spies

By Gia Allana Soriano

Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, naikuwento ni Rachelle Ann Go kung paano naganap ang wedding proposal sa kanya ng American entrepreneur na si Martin Spies.

Sa Boracay naganap ang romantic life-changing moment ng aktres. Ika niya, "Pagdating ko doon, ang ganda ng set-up. Sabi ko, 'Alam mo ba ito, na ganito.' Sabi niya, actually na-surprise rin daw siya. So, feeling ko wala. Wala talaga."


Dagdag pa niya, "Hanggang sa medyo teary-eyed na siya, and he was shaking. Sabi ko, 'Ano'ng nangyayari, hindi ko alam ano'ng nangyayari.' I thought he was just pouring out his heart. Tapos biglang lumuhod na lang. Sabi ko, akala ko joke nga."

Playlist Lyric Video: "Wagas" by Rachelle Ann Go ( 'Wagas' theme song)

God-centered din daw ang relationship nina Rachel at Martin at may commitment to stay pure until their wedding day din ang dalawa. 

Panoorin ang full report ni Nelson Canlas sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News