Showbiz News

WATCH: Triplets, pinasalamatan si Kuya Germs sa kanilang pagsikat

By Bea Rodriguez

 

Successful ang concert ng Triplets noong Sabado (September 9) sa Music Museum kung saan pinarinig nina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Tina Paner ang kanilang ‘80’s hit songs.

Malaki ang pasasalamat ng Kapuso stars sa yumaong si German “Kuya Germs” Moreno na nagbukas ng oportunidad sa kanilang pagsikat sa showbiz sa pamamagitan ng dating youth-oriented talent and variety show na That’s Entertainment.

“Lord, this is for you, and of course, kay Kuya Germs,” saad ni Tina at dagdag naman ni Manilyn, “Nagsimula ang Triplets kay Tito Germs talaga sa That’s Entertainment.

Puring-puri naman si Sheryl sa pasabog ng Meant To Be boys na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raj sa kanilang throwback sexy dance number. Aniya, “Ang gagaling nilang mag-adjust at saka wala akong masabi kasi talagang ‘pag live, live talaga ang kanila.”

 

Video from GMA News